Apat Biyaya | DAKILANG LAYUNIN
655
post-template-default,single,single-post,postid-655,single-format-standard,ajax_fade,page_not_loaded,,qode-child-theme-ver-1.0.0,qode-theme-ver-10.0,wpb-js-composer js-comp-ver-4.12,vc_responsive

DAKILANG LAYUNIN

DAKILANG LAYUNIN

Isinulat ni: Marynelle Florentino
Sa kabila ng maliligayang araw
May isang sakit, tila isang halimaw.
Binulabog ang taumbayan,
Inatake ang mamamayan.
Maraming nagbuwis ng buhay,
Frontliners nga kung tawagin.
Sila ang mga naging tulay
Upang buhay ng iba’y sagipin.
Mga politiko’y gumawa ng hakbang,
Upang pangangailangn ay matugunan,
Kahit mumunting handog
Gutom ay napunan.
Apat Biyaya ay isang halimbawa
Ng mga mabubuti’t may mga awa
Sa tulad naming mga dukha,
Kaya sila’y pinagpapala
Tunay ngang masasabing
May dakilang layunin.
Salamat Sa Diyos!
Dapat lamang sila’y pagpalain.